Mga manggagawang naka-COVID sa trabaho, makatatanggap ng kompensasyon ayon sa DOLE

Makatatanggap ng kompensasyon ang mga Pilipinong nagta-trabaho sa pribado at publikong sektor na nagpositibo sa COVID sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Occupational Safety and Health Center Executive Director Noel Binag, kung napatunayan sa evaluation ng Employees’ Compensation Commission (ECC) na sa trabaho nakuha ang COVID-19, ang manggagawa ay maaring makatanggap ng compensation.

Kailangan lamang aniya magpresenta ng Certificate of Employment, RT-PCR test, at medical records.


Samantala, naghahanda na ng DOLE para sa isasagawang ‘Nationwide Virtual Job Fair’ sa darating na Mayo 1, Labor Day.

Kahapon, na-secure na ng departamento ang nasa 18,000 bakuna mula sa 488 employers para sa job fair.

Iaanunsyo rin ng DOLE ang mga website na maaaring puntahan ng mga aplikante.

Facebook Comments