Tiniyak ng Department of Labor and Employment na kabilang sa mga pwedeng makatanggap ng tulong ang mga manggagawang nasa sektor ng turismo sa bansa.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay na sa ngayon ay maaari pa ring mag-apply para sa cash assistance ang mga empleyadong apektado ng ipinatupad na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Asec. Tutay, maaaring mag-apply online ang sinumang kwalipikado kagaya ng mga nasa sektor na may kinalaman sa turismo.
Samantala, sakaling ang establisyimento naman ang mag-apply para sa cash assistance sa kanilang empleyado ay gagamit aniya sila ng payroll system upang matiyak na lehitimo ang mga ilalagay sa listahan.
Facebook Comments