Sakop bilang compensable work-related injuries or illnesses ang isang empleyado na naaksidente habang papasok o pauwi galing sa trabaho.
Ito ang binigyang diin ni Training and Public Information Division Chief German Eser Jr., ng Occupational Safety and Health Center (OSHC-TPID)
Ayon kay Eser, ang pagbiyahe mula sa bahay patungo sa trabaho ay itinuturing ng bahagi na ng trabaho ng isang empleyado.
Sinabi ni Eser na sa Employees Compensation Commission (ECC), ito ang ini-a-apply na polisiya kapag nagkaroon ng sakuna, mula sa bahay pabiyahe sa opisina at mula sa opisina pabalik ng tahanan, ito ay ikinukunsiderang dahilan para mabigyan ng kaukulang kompensasyon ang isang manggagawa.
Facebook Comments