Inaasahang sa susunod na linggo ay darami na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na muling makapapasok sa Taiwan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Overseas Labor Office (POLO) Labor Attache Cesar Chavez na sa ngayon kasi ay paisa-isa pa lamang ang mga nakababalik sa Taiwan.
Karamihan kasi aniya sa 5,000 na OFWs na una na sanang patungo roon noong isang taon ay nagsisipag-renew ngayon ng visa at kumukuha ng iba pang nadagdag na requirements kasunod nang pinalakas na pre-deployment protocols ng Taiwan.
Matatandaan na nagpatupad ng temporary ban sa deployment ng mga bagong hire na OFW sa Taiwan noong Mayo ng nakalipas na taon dahil naghigpit sila bunsod ng tumataas na kaso ng COVID-19, at nitong February 15 lamang muling nagbukas ang Taiwan sa mga migrant workers.