Mga manggugulo sa mga pumapasadang drivers habang may tigil pasada, binalaan ng gobyerno

Ibinabala ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagsasampa ng kaso laban sa mga mahuhuli at mapatutunayang nanggugulo sa mga bumabyaheng tsuper habang umiiral ang tigil-pasada.

Inihayag ito ni Bautista sa Laging Handa briefing kasunod ng mga reports ng panghaharang o panggugulo sa mga jeepney drivers na mas piniling pumasada sa halip na lumahok sa transport strike.

Ayon kay Bautista ang naturang gawain ay malinaw na act of violence o karahasan kaya hindi dapat palampasin.


Hinggil dito ay binanggit ni Bautista na mahigpit ang ginagawang pagbabantay ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) para alalayan ang mga commuters at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa mga lansangan.

Facebook Comments