MGA MANGINGISDA AT FISH VENDORS SA LUNGSOD NG DAGUPAN, NAKATANGGAP NG RELIEF SUPPLIES

Nakatanggap ng relief supplies ang mga mangingisda maging mga fish vendors sa lungsod ng Dagupan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1.
Matatandaan na isa ang mga ito sa higit na naapektuhan ng nagdaang bagyo at nasira ang ilan sa kanilang pinagkakakitaan at hanapbuhay bunsod ng buhawi.
Nasa isang daan at tatlumpu’t siyam o 139 ang naging benepisyaryo ng nasabing relief distribution at mula ang mga ito sa mga Barangay ng Pugaro, Bonuan Binloc, at Mamalingling.

Napamahagian din ang mga ito ng ilang mga gamot at bitamina na pandagdag para kanilang kasulugan. |ifmnews
Facebook Comments