Mga mangingisda at magsasaka, kinilala ni PBBM na mga bayani

Kinilala ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM), ang mga magsasaka at mangingisda sa papel na ginagampanan ng mga ito para sa mga Pilipino.

Sa naging talumpati ng punong ehekutibo sa pagbubukas ng Agri Exhibit 2022 sa World Trade Center, sinabi ni PBBM na unsung heroes na maituturing ang mga mangingisda at magsasaka na aniya’y katuwang sa pag-unlad ng bayan.

Dahil daw sa mga ito ay may pagkain sa hapag kainan na siyang nagbibigay lakas sa atin at maipursige ang mga dapat gawin para sa patuloy na pag-angat ng bansa.


Sa harap nito inilahad naman ng chief executive ang iba’t ibang tulong na naipamahagi na ng gobyerno sa mga mangingisda at magsasaka katulad ng financial assistance at fuel discount program na umabot na sa 3 daan at 20 milyong piso.

Mayroon din aniyang quick response fund na pantulong din sa mga magsasaka at mangingisdang naging biktima ng kalamidad.

Sa ngayon ayon sa presidente ay nasa ₱1.54 bilyong na ang nailalabas ng gobyerno para sa may 17 milyong mga nakabenepisyo na sa ayuda ng gobyerno para sa mga nasa sektor ng agrikultura.

Facebook Comments