Patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga komunidad na matinding naapektuhan ng nagdaang bagyo sa Dagupan City, partikular sa mga pamilyang umaasa sa pangingisda at mga residente sa coastal barangays.
Sa Barangay Pugaro, 300 pamilya ng mangingisda ang nakatakdang makatanggap ng tulong pinansyal mula sa City Agriculture Office upang makatulong sa muling pagsisimula ng kanilang kabuhayan matapos ang pinsalang iniwan ng kalamidad.
Nagpapatuloy din ang pamamahagi ng relief packs sa Barangay Bonuan Gueset para sa mga residenteng labis na naapektuhan.
Kasama rito ang distribusyon ng doxycycline upang maiwasan ang mga sakit na maaaring makuha mula sa baha, gaya ng leptospirosis.
Isinasagawa ang mga operasyong ito sa koordinasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Dagupan City Police Office, at iba pang kaukulang tanggapan upang matiyak na tuloy-tuloy ang suportang ibinibigay at walang naiiwan sa proseso ng pagbangon ng komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









