Mga mangingisda, binigyan ng ‘window hour’ para makapalaot sa Taal Lake

Binigyan ng ‘window hour’ para pumalaot ang mga mangingisda sa Taal Lake.

Sa abiso, maaari lamang silang pumalaot mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Sakop lamang din nito ang pagpapakain ng mga isda, emergency harvest at pagtatanggal ng mga namatay na isda.


Ang mga mangingisdang lalabag ay sisitahin lang muna pero kapag naulit, maaaring tanggalan ng permit ang mga fish cage operator.

Facebook Comments