Hiniling ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo Ordanes sa Department of Labor and Employment o DOLE na bigyan ng trabaho ang mga mangingisdang apektado ng tatlong buwan na fishing ban.
Diin ni Ordanes, dapat magkaroon ng pansamantalang mapagkakakitaan ang mga mangingisda sa Palawan at sa Western Visayas habang may fishing ban na tatagal ng tatlong buwan simula ngayong Nobyembre.
Binanggit ni Ordanes na ang fishing ban ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga isda na mag-reproduce at magparami pero habang umiiral ito ay hindi naman aniya dapat pabayaan ang ating mga mangingisda.
Pangunahing suhestyon ni Ordanes ay isailalim ang mga apektadong mangingisda sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE) para magkaroon pa rin sila ng kita.