
Nanawagan si Senator Erwin Tulfo na isama rin sa mabibigyan ng ayuda tuwing may bagyo ang mga mangingisda kahit hindi sila kasama sa binaha.
Ayon kay Tulfo, kapag may bagyo o masamang panahon, hindi nakakapag-hanapbuhay ang mga mangingisda at wala silang naipapakain sa kanilang pamilya kaya maituturing din silang biktima ng kalamidad.
Sa Palawan lamang, aabot sa 11,000 na mga mangingisda ang hindi nakapalaot dahil sa sama ng panahon.
Inilapit naman ni Senator Erwin sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ang mga mangingisda na mapadalhan ng food packs.
Makikipagpulong si Tulfo sa DSWD, Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Department of Agriculture (DA) para matiyak na hindi maiiwanan sa pagbibigay ng tulong ang mga mangingisda.








