Mga mangingisda, makaka-avail na ng ₱20 na kada kilo ng bigas simula ngayong araw

Simula ngayong araw makakabili na ang mga mangingisda ng P20 na kada kilo ng bigas sa ilalim ng “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” Program, simula ngayong Biyernes, Agosto 29.

Ayon kay Department of Agriculture o DA Spokesperson Asec. Arnel de Mesa, ang hakbang na ito ay kasunod ng matagumpay na pagpapalawak ng programa sa mga magsasaka ng bigas noong Agosto 13.

Pero paglilinaw ng opisyal na 10 kilo lamang ang purchase limit kada buwan ng mga mangingisdang mag-a-avail ng mga fisher folks.

Aniya, inaayos pa ang detalye ng naturang programa na magpapaginhawa sa buhay ng mga mangingisda.

Para naman sa pagpapatupad ng naturang programa, makikipag-ugnayan ang National Food Authority (NFA) sa Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) para maging accessible ang supply ng bigas sa lahat ng fish ports na pag-aari ng PFDA sa buong bansa.

Facebook Comments