Mga mangingisda na na-rescue ng PCG, inihatid na sa Pangasinan

16

Sakay ng land vehicle ng Philippine Coast Guard (PCG), naihatid na sa Infanta, Pangasinan ang mga mangingisdang na-rescue ng M/V Kumano Maru ng PCG.

Ito ay matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka dahil sa malakas na alon noong Linggo ng gabi.

Matapos silang ma-rescue, dinala sila sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila para agad na mabigyan ng medical assistance at pagkain.

Bago naman sila inihatid sa Pangasinan, isinailalim muna sila sa health at safety protocol.

Facebook Comments