Humingi ng tulong kina Lacson-Sotto Tandem ang samahan ng mga mangingisda sa Barangay Dalahican sa Lucena City dahil sa kakulangan ng galunggong bunsod sa panggigipit ng mga Chinese fishermen sa mga mangingisdang Pinoy.
Ayon sa mga mangingisda, hindi naman umano isyu rito ang commercial fishing pero ang problema nila ay ginagawang pangha-harass ng mga mangingisdang Tsino na pinagtataboy ang ating mga mangingisda sa West Philippine Sea.
Ayon naman kina Lacson-Sotto Tandem, sinadya nilang makipagdayalogo sa mga mangingisda upang malaman ang tunay nilang mga hinaing sa buhay kung saan mahigit 1,000 mga mangingisda na ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa panggigipit ng mga Chinese fishermen.
Paliwanag ni Sotto, siya ang nagsulong ng Fisheries and Aquatic code para malaman kung naipatupad ng maigi ang naturang batas.
Dagdag pa nina Lacson-Sotto Tandem na inikot nila ang fish port para alamin din ang mga kailangan ng mga magsasaka upang mabigyan ng kaukulang tugon.