Nagsama sama para sa isang protesta ang ibat ibang Environmental groups , mga mangingisda , Manila Yacht Club at nakiisa rin ang mga dragon boat group upang irehistro ang pagtutol sa planong Reclamation Project sa Manila Bay.
Ilang yate mula sa Manila Yacht Club at mga dragon boat na nilagyan ng streamer na nagsasaad ng “ Save Manila Bay ! Stop Reclamation!
Ayon kay Atty Gloria Estenzo Ramos ng Oceana Phils. Vice President dapat magkaroon ng tinatawag na full disclosure sa lahat ng pag uusap o transaksyion sa panig ng gobyerno at sa Philippine Reclamation Authority sa usapin ng Reclamation ng Manila Bay dahil malinaw at direkta ang banta nito sa kabuhayan di lamang ng mga mangingisda.
Dagdag pa ng mga mangingisda sa pamamagitan ng bantang Reclamation Projects Manila Bay maapektuhan ang food security, mawawasak ang natitirang marine life at hindi malayo ang lalu pang pagbaha sa Metro Manila at karatig lalawigan.
Nabatid na hindi lamang sa lokal na pamahalaan Maynila ang may proyektong pagreklamasyon sa Manila Bay kundi maging ang iba pang bayan na kung saan ipinagmamalaki ng City of Manila na maraming trabaho at tataas ang ekonomiya ng Lungsod dahil sa Reclamation.