Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) ng seaborne patrol operations sa vicinity waters ng Candijay at Anda sa Bohol para magbigay ng babala sa mga mangingisda at divers.
Kaugnay ito ng presensya ng Orcas o killer whales sa East Bohol Sea.
Sa kanilang pagpapatrolya, pinayuhan ng Coast Guard ang mga mangingisda at divers sa lugar na iwasan na magdulot ng aggression sa naturang balyena dahil posibleng umatake ito sa mga tao sa kanilang paligid.
Partikular anilang mapanganib at maaaring umatake sa mga tao ang mga whale na may mga bagong anak.
Facebook Comments