Mga mangingisda sa Cavite, hindi pa makakabalik sa kanilang hanapbuhay – BFAR

Hindi pa makapagbigay ng timeline ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kung kailan makakabalik sa dagat ang mga mangingisda sa lalawigan ng Cavite.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, inusisa ni Senator Francis Tolentino kung kailan makababalik sa kanilang hanapbuhay ang mga mangingisda.

Pero sa ulat ni Atty. Angel Encarnacion ng BFAR, batay sa pinakahuling sampling ng ahensya ay may mga langis pang nakikita sa karagatan ng Cavite.


Nakiusap ang BFAR sa mga senador na hintayin ang resulta ng laboratoryo na kanilang gagawin kapag wala na ang langis na nakahalo sa tubig dagat.

Pinaniniwalaang ang langis na ito ay mula sa lumubog na MT Terranova na tumaob sa kasagsagan ng Bagyong Carina at hanggang ngayon ay hindi pa nahihigop ng husto ang laman na 1,400 toneladang langis na malaking banta sa karagatan.

Facebook Comments