MGA MANGINGISDA SA ILANG BAYAN AT LUNGSOD NA NAAPEKTUHAN NOONG BAGYONG UWAN, NABIGYAN NG MATERYALES SA PAGSASAAYOS NG KANILANG MGA BANGKA

Nabigyan ng mga materyales sa pagsasaayos ng bangka ang mga mangingisda mula sa ilang bayan at lungsod sa Pangasinan na naapektuhan ng Bagyong Uwan noong nakaraang taon.

Ibinahagi sa mga benepisyaryo ang mga kagamitang maaari nilang gamitin upang maipagawa at maibalik sa maayos na kondisyon ang kanilang mga bangka bilang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan.

Kabilang sa mga nakatanggap ng tulong ang mga mangingisda mula sa Binmaley, Sual, Anda, Bani, Lingayen at Alaminos City.

Bukod dito, nakatanggap din ng isang yunit ng Solar Salt Production ang Samahang Magsasaka at Mangingisda ng Baleyadaan sa Alaminos City para sa kanilang produksyon ng asin.

Bahagi ito ng mga programa at inisyatibo ng pamahalaan upang patuloy na masuportahan ang sektor ng pangisdaan at agrikultura, kung saan inaasahang madaragdagan pa ang tulong kasunod ng bagong inilaang pondo para sa taong 2026.

Facebook Comments