Pinawi ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang pangamba ng mga mangingisda na maapektuhan ang kanilamg kabuhayan dahil sa nangyaring oil spill.
Ito’y dahil sa paglubog ng MT Terra Nova sa Limay, Bataan.
Matatandaan na pinangangambahan ang pagkalat ng 1.4 milyon litro ng langis na dala nito.
Pero giit ng Navotas LGU, hindi direktang apektado ang lungsod pero maigi pa na malaman ang mga dapat gawin para handa sa posibleng mangyari.
Pinapayuhan pa ang mga nagbebenta ng isda na huwag na rin umangkat ng mga lamang dagat sa lugar kung saan ang insidente ng oil spill.
Nagpaalala pa ang lokal na pamahalaan na manatiling ligtas sa panganib na dala ng oil spill habang ang mga mangingisdang residente ng lungsod ay maiging tumutok sa mga anunsiyo na magmumula sa mga kinauukulan.