MGA MANGINGISDA SA PANGASINAN, KULANG ANG KINIKITA MULA SA MAGDAMAG NA PAGPALAOT DAHIL SA MAHAL NA GASOLINA

‎‎‎Hindi ligtas mula sa malawakang epekto ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo, ang mga mangingisda sa Pangasinan, na umaaray sa epekto nito sa kanilang arawang kita.

‎Naabutan ng IFM News Dagupan sa Lingayen, ang mangingisdang si Tatay Lito, na kinagisnan na ang pagpalaot sa mga baybayin bilang pangunahing kabuhayan.

Ayon sa kanya, pahirap sa sakanila ang linggo-linggo na lang na pagsirit sa presyo ng gasolina dahil nakakakain na nito ang kita na sana’y pangtustos sa arawang pangangailangan ng kanyang pamilya.

‎Mula sa magdamag nilang pangingisda, nasa P200 lamang ang malinis na kinikita, hindi sapat na upang makabili ng pagkain at iba pang pangangailangan.


‎Lahat umano sa kanyang kasamahan na nangingisda ay gasolina ang ginagamot sa bangka dahilan upang malimitahan ang kanilang pag-asa sa mas malaki at maraming huli tuwing papalaot.

‎Sa pinakahuling pagtaas nitong Martes, nasa halos anim na piso ang itinaas sa kada litro ng gasoline kaya umaabot na sa kabuuang P100 ang kada litro nito sa kasalukuyan.

Bagaman, may mga opinyong hindi na umano babalik sa dati ang presyo ng produkto, patuloy na hiling sa sektor ng agrikultura ang agarang tulong ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments