Hirap umano sa ngayon ang mga mangingisda sa San Fabian dahil sa umiiral na pansamantalang No fishing policy dahil sa nararanasang bagyo.
Ani ng ilang mangingisda, wala munang huli ng isda sa dagat dahil baka buhay naman nila ang kapalit.
Bagamat, walang mapagkukunan ng kita sa ngayon ay kailangan pa rin umano nilang sumunod sa pansamantalang pagbabawal na pangingisda sa dagat.
Bukod sa pangingisda ay ipinagbabawal rin muna ang paliligo sa dagat dahil sa posibleng banta ng storm surge.
Samantala, patuloy din ang pagtutok ng San Fabian MDRRMO sa kalagayan ng mga residente sa naturang bayan upang matiyak ang kaligtasan at ng mga posibleng pangailangan ng tulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









