Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong sa mga manggagawang apektado ng nararanasang oil spill dahil sa paglubog ng MTKR Terranova sa Manila Bay.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nasa 60 milyong piso ang inilaan nila sa mga naapektuhan ng oil spill.
Nabibigyan aniya ng kahit paano’y pagkakakitaan ang mga manggagawa sa ilalim ng kanilang TUPAD o Tulong Pangkabuhayan sa ating Disadvantaged/Displaced workers.
Partikular na nakikinabang sa programa ang mga mangingisda, vendors at iba pang nawalan ng ikinabubuhay dahil sa oil spill.
Ayon kay Laguesma, ilan sa mga trabahong alok ang pagkolekta ng mga buhok at coconut husk na gagamitin sa paggawa ng oil spill booms.
Habang ang iba naman ay pinaglilinis ng pampang kung saan umabot na ang tumagas na langis.
Nasa mahigit isang libong TUPAD workers na ngayon ang nakinabang sa pansamantalang trabaho.