Mga mangingisdang nawalan ng hanapbuhay dahil sa oil spill sa Oriental Mindoro, may tulong mula sa gobyerno – PBBM

Nagpapatupad ang pamahalaan partikular ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng cash for work program para makatulong sa mga mangingisdang nawalan ng hanapbuhay dahil sa nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro matapos na lumubog ang MT Princess Empress.

Sa ambush interview kay Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nitong dahil walang hanapbuhay ang mga mangingisda ngayon, sila ay tutulong maglinis o magtanggal ng tagas na langis kapalit ang minimum wage sa rehiyon.

Batay sa impormasyon, nasa 15,000 mangingisda na sa siyam na bayan sa Oriental Mindoro at karatig-lalawigan ang nawalan ngayon ng hanapbuhay dahil sa nangyaring oil spill.


Kapag natapos na aniya ang clean up ay maari nang bumalik sa pangingisda ang nasa 15 mangingisda sa Oriental Mindoro.

Facebook Comments