Kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) na makakatanggap ng kabayaran ang mga mangingisdang Pilipino na binangga ng Chinese vessel sa West Philippine Sea noong 2019.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, nagkaroon na ng final settlement sa damage claims ng F/B GEM VER fishermen laban sa may ari ng Chinese vessel.
Aniya, P6 million ang matatanggap ng may-ari at mga mangingisda ng F/B GEM-VER na sangkot sa Recto Bank incident.
Hunyo 2019 nang ihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na lumubog ang isang sasakyang pandagat ng Pilipinas kasunod ng pagbangga sa isang barko ng China sa West Philippine Sea, na nag-udyok sa Pilipinas na maghain ng diplomatic protest laban sa Beijing.
Ang insidente ay nag-iwan ng 22 mangingisdang Pilipino na nagpalutang-lutang sa karagatan at kalaunan ay nailigtas ng isang Vietnamese vessel.