Umaabot sa mahigit 160 tonelada ng isda ang nakuha ng mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc.
Ito ay matapos na matanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) ang floating barrier na inilagay ng China sa nasabing karagatan.
Nakalapit din ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng 300 meters sa Bajo de Masinloc.
Tiniyak naman ng PCG ang proteksyon sa mga mangingisdang Pinoy.
Sa katunayan, magdadagdag pa ang PCG ng tropa na magbabantay sa mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Facebook Comments