Manila, Philippines – Pinaputukan ng ‘warning shot’ ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisdang pinoy para itaboy ang mga ito sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, nakarating na sa kaniya ang balita sa nasabing harassment at kasalukuyan na niya itong pinabeberipika kay AFP Western Command Commander Lt. Gen. Raul Del Rosario.
Aniya, nagreklamo ang isang grupo ng mga mangingisda mula sa Mariveles,Bataan matapos silang palibutan ng speedboat ng Chinese Coast Guard malapit saunion reef o union bank sa West Philippine Sea saka pinaputukan ng warning shots.
Ilang araw na aniya nang mangyari ang insidente pero kahapon lamang lumutang matapos na makauwi na sa kanilang tahanan ang mga hinaras namangingisda.
Nabatid na nagsasagawa ng maritime construction site sa nasabing lugar ang Chinese Coast Guard kaya bantay sarado ito.
Magugunita na maraming beses na ring dumanas ng pambu-bully angmga mangingisdang pinoy na pinauulanan ng water cannon ng Chinese Coast Guard saPanatag Shoal sa West Philippine Sea.
Pero noong 2016 ay nagwagi ang isinampang reklamo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa United Nations pero nagmatigas ang China na kilalaninang nasabing ruling.