Mga mangingisdang pinoy, pinayuhang umiwas muna sa Panatag Shoal

Pinayuhan ng Bureau Of Fisheries And Aquatic Resources (BFAR) ang mga mangingisdang pinoy na umiwas muna sa Scarborough o Panatag Shoal.

 

Kasunod ito ng umano’y dumaraming reklamo ng harrassment sa mga mangongisdang pinoy na kagagawan ng ilang Chinese fishermen.

 

Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, habang gumagawa ng paraan ang pamahalaan sa isyu ay dapat na manatili muna sa mga municipal water ang mga mangingisdang Pinoy.


 

Ito ay para maiwasan na rin ang pagtaas ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

 

Samantala, nauna nang sinabi ng Northern Luzon Command na hindi pa kumpirmado ang mga ulat na pangha-harrass sa mga mangingisdang pinoy sa panatag shoal.

 

Kung totoo man ito, tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maghahain ng panibagong reklamo ang pamahalaan laban sa China.

Facebook Comments