Maagang naghahanda ang mga manininda sa paligid ng Mangaldan Municipal Cemetery para sa pagdiriwang ng Undas sa Nobyembre.
Sa labas ng sementeryo, inilagay na ang mga palatandaan bilang gabay sa mga naglalatag ng paninda upang maging maayos ang daloy ng mga tao sa lugar.
Ayon sa ilang residente na nagtitinda, inagahan nila ang paglalagay ng pwesto upang makapaghanda sa inaasahang pagdagsa ng mga bibisita sa sementeryo.
Pinaalalahanan naman ng pamahalaang barangay ang mga manininda na magpareserba ng kanilang pwesto upang maiwasan ang kalituhan at masiguro ang kaayusan sa lugar sa panahon ng Undas.
Facebook Comments









