Mga manlalaro ng NBA na positibo sa COVID-19, nadagdagan pa!

Umabot na sa 13 ang mga manlalaro ng nba na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ay matapos ang isinagawang testing ng bawat koponan sa kanilang mga manlalaro kabilang ang mga coach at mga empleyado.

Sa ngayon, nadagdagan pa ng anim ang nagpositibo kung saan dalawa dito ang mula sa Los Angeles Lakers, tatlo sa philadelphia 76ers at tig-isa sa Boston Celtics at Denver Nuggets.


Pagtitiyak naman ng NBA, patuloy na babantayan ng mga health professionals ang mga manlalaro at sumasailalim na ang mga ito sa self-quarantine.

Una nang nagpositibo ang dalawang manlalaro mula sa Utah Jazz, at apat sa Brooklyn Nets kabilang ang kanilang superstar na si Kevin Durant.

Facebook Comments