Mga manlalaro ng NBA, pagsusuotin na rin ng COVID sensor device bilang bahagi ng contact tracing

Pagsusuotin na rin sa susunod na linggo ng COVID sensor device ang mga manlalaro ng NBA maging ang iba pang mga team, mga officials at mga staff members bilang bahagi ng kanilang contact tracing.

Ilalagay umano ang mga sensor devices sa kanilang mga lanyard, wristband o mga damit at short na kanilang susuotin.

Layunin nitong mas mapabilis ang pagtukoy kung sino sa mga players at mga kasama ang dapat na ma-quarantine sakaling may magpositibo sa COVID-19.


Samantala, hindi naman kailangan pang magsuot ng tracking devices ang mga players kung nasa loob na ng hotel o nasa kalagitnaan ng laro.

Facebook Comments