Mga manlalaro ng NLEX Road Warriors, namahagi ng face masks at face shields sa NDRRMC

33

Namahagi ng 500 washable face masks at 50 face shields ang mga manlalaro ng NLEX Road Warriors sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Pinangunahan ni NLEX Road Warriors Head Coach Yeng Guiao ang pamimigay sa nasabing donasyon kasama si NLEX Corp. Corporate Social Responsibility Senior Manager Cherry Dela Rea at ng NLEX players.


Samantala, nagpasalamat naman ang pamunuan ng NDRRMC sa nabanggit na koponan sa kanilang ibinigay na donasyon para sa mga frontliner.

Facebook Comments