Nagkasundo na ang Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Sports Commission (PSC) na gawin ng professional league ang Philippine Super Liga (PSL), Premier Volleyball League (PVL) at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Kaugnay nito, naglabas sila ng joint resolution para i-require ang mga players nito na kumuha muna ng professional license sa GAB bago maglaro sa kani-kanilang koponan tulad ng ginagawa sa ibang pro-league gaya ng PBA.
Sa pahayag ni GAB Chairman Baham Mitra, ang isang player na tumatanggap ng swedlo dahil sa paglalaro nito ay maituturong na professional player kung kaya’t kinakailangan na kumuha muna sila ng kanilang pro-license.
Ang binuong resolusyon ng GAB at PSC ay masusubukan sa nalalapit na PSL beach volleyball tournament na magsisimula sa November 26, 2020 kung saan ang bawat players ay sasailalim din sa ilang araw na seminar bago mabigyan ng lisensiya.