Mga manok na ibinibenta sa ilang pamilihan sa Metro Manila, nakitaan ng isang uri ng bacteria

Manila, Philippines – Nagbabala ang Department of Health sa publiko na magdoble-ingat sa paghahain ng mga ulam na manok .

Lumalabas sa isinagawang pag-aaral ng University of the Philippine-Institute of Biology na 8 sa 10 manok na mabibili sa Metro Manila ay positibo sa ‘Campy-Lobacter’ bacteria.

Ang ‘Campy-Lobacter’ bacteria ay isang spiral-shaped bacteria na aktibo lalo na kung tag-init kung saan maari itong magdulot ng pagsusuka, pananakit ng tiyan at diarrhea sa taong makakakain nito.


Bagamat hindi lubhang mapanganib at hindi nakamamatay, ipinapaalala ng mga eksperto na linisin at lutuin ng maayos ang karne ng manok upang mamatay ang mga bacteria

Hindi pa naman matukoy ng mga eksperto kung saan nanggagaling ang nasabing bacteria.

Facebook Comments