Mga manufacturer ng paputok na walang kaukulang lisensya, sinita ng DTI

Natuklasan ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na 15 mula sa 18 Fireworks Manufacturer na ininspeksyon nila sa Bulacan ay walang mga kaukulang lisensya para makapag-operate.

Ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo, karamihan sa mga manufacturers ay walang Philippine Standard Quality Certification Mark License o mas kilala bilang ‘PS Mark.’

Kabilang ang dragon fireworks sa mga manufacturer ang sinita ng DTI dahil gumagamit sila ng pasong lisensya.


Sa kabila nito, handa ang DTI na tulungan ang mga manufacturer ng paputok na mapadali ang pagpoproseso ng pagkuha ng bagong lisensya.

Facebook Comments