Mga mapagsamantalang negosyante matapos manalasa ang Bagyong Odette, binalaan ng DTI

Inatasan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang regional offices na suriin ang mga retailer at huliin ang mga negosyanteng magtataas ng presyo ng kanilang paninda sa gitna ng kalamidad.

Ito ay kasunod ng mga ulat na tumaas ang presyo ng bottled water at generation sets sa Cebu at Negros Occidental na naapektuhan ng Bagyong Odette.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, hindi nila hahayaan na samantalahin ng mga walang prinsipyong indibidwal ang sitwasyon.


Ang sinuman aniyang mahuhuling magtataas ng presyo ng kanilang paninda ay pagmumultahin at maaaring makulong ng isang taon.

Kasabay nito, hinimok ni Lopez ang publiko na isumbong ang mga ganitong gawain sa DTI hotline 1-384; 0917-834-33-30, o ConsumerCare@dti.gov.ph.

Facebook Comments