Tiniyak ng mga marshalls ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan na aantabay sa St. John Cathedral the Evangelist ang maayos na pagbisita ng mga churchgoers ngayong pagdaos ng Lenten Season.
Ito ay sa pamamagitan ng kanilang pag-antabay sa bisinidad ng simbahan upang masiguro na maayos ang pagkakataong gugugulin ng mga mananampalataya sa panahong ito.
Ayon sa panayam ng IFM News Dagupan kay ALD Marshal Bro. Maning Vinluan, nasa tatlumpung mga marshal ang mangangasiwa sa mga dumarating na mga churchgoers, sa pag parking at iba.
Aniya, mas lalong dadagsain ang simbahan lalo na ng mga magpipilgrims na nagmumula sa ibang lugar ngayong linggo.
Nasa mahigit sampung libong mga katoliko ang inaaasahang makikiisa ngayong Holy week sa simbahan sa lungsod.
Samantala, nagpahayag ng mainit na pagtanggap at suporta ang simbahan para sa kapwa nila mananampalataya sa kanilang pagbisita sa pinaka dinadagsang simbahan sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨