Ipinahaharap ni Senator Robinhood Padilla sa mas mabigat na parusa ang mga mapapatunayang sangkot sa sexual assault.
Isinusulong ng senador ang Senate Bill 2777 na layong palakasin ang kasalukuyang Anti-Rape Law of 1997.
Tinitiyak ng panukala na hindi lang mas malakas ang ating mga batas kundi mas “gender-responsive,” dahil parehong lalaki at babae na ang nabibiktima ng sekswal na pang-aabuso.
Kasama sa papatawan ng mabigat na parusa tulad ng parusang kamatayan ang mga mapapatunayang nanghalay gamit ang deadly weapon o ginawa ng dalawa o higit pang tao; kung ang biktima ay nasiraan ng bait dahil sa nangyaring panggagahasa; may homicide na nangyari sa pagtangkang rape at ang rape ay ginawa kasama ang “aggravating o qualifying circumstances” base sa artikulo.
Matatandaan namang kontrobersyal ngayon ang sexual harassment sa anak ni Niño Muhlach na si Sandro Muhlach kung saan dalawang independent contractors ng tv network ang sangkot.