Mga masasayang na bakuna, dapat umabot lamang sa 5% – DOH

Iginiit ng Department of Health (DOH) ang katanggap-tanggap na vaccine wastage o masasayang na bakuna ay dapat na sa limang porsyento lamang.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat mapanatili lamang sa maliit na lebel ang masasayang na bakuna dahil ang bawat dose ng COVID-19 ay dapat mapakinabangan ng bawat ng Pilipino.

“Meron po tayong tinatala na ang acceptable po ay mga 5 percent. Ini-estimate na ho namin yan kapag kumukuha tayo ng numero o estimated number na kailangan natin na bakuna. But, we have to keep it as minimum as possible because every dose will count because these COVID vaccines are needed badly by all of us Filipinos,” punto ni Vergeire.


Sinabi rin ni Vergeire na maaaksaya lamang ang bakuna kapag ang taong kasama sa vaccine priority list ay tumangging magpabakuna.

Maaari ding masayang ang bakuna kapag ang taong tatanggap nito ay hindi na maaaring mabakunahan dahil sa kanyang medical condition.

Posible ring mangyari ang vaccine wastage kapag hindi maayos ang paghahawak o pagtago sa mga bakuna.

“Kailangan din po may ready tayo ng alternative recipients kung sakaling during that day of vaccination meron po tayong marereject because of medical conditions or merong hindi dumating sa appointment na ‘yun, [para] meron po tayong handang ipalit agad para hindi masayang ang bakuna” dagdag ni Vergeire.

Facebook Comments