Suportado ng Office of the Vice President (OVP) ang mga mungkahing mauna ang public officials na magpabakuna laban sa COVID-19 para mapawi ang pangamba at takot ng publiko sa immunization drive.
Ito ang pahayag ng kampo ni Vice President Leni Robredo matapos sabihin ni Presidential Spokesperson Harry Roque na handa si Pangulong Rodrigo Duterte na unang maturukan ng COVID-19 vaccine para ipakita sa mga Pilipino na ligtas ito.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sang-ayon si Atty. Barry Gutierrez kay Roque dahil mas maraming tao ang makukumbinsi at mahihikayat ng Pangulo na magpabakuna.
Binanggit ni Gutierrez na bumaba ang immunization rates bunga ng mga kaso ng polio at tigdas outbreak, at takot ng publiko dahil sa Dengvaxia controversy noong 2017.