Binigyang-diin ni Senator Koko Pimentel na dapat isumbong at imbestigahan ang matataas na opisyal ng gobyerno na sangkot, nanghihimasok o may kinalaman sa smuggling.
Pahayag ito ni Pimentel kasunod ng sinabi sa Senado ni Department of Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste Jr., na may dating matataas na opisyal ng gobyerno na tumawag sa kanya noong 2021 kaugnay sa mga nasabat nilang smuggling.
Sabi ni Pimentel, ang mga opisyal na nasa ehekutibo na sangkot umano sa smuggling ay dapat isumbong sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC).
Binanggit ni Pimentel na kung pulitiko naman ang may smuggling, ito ay pwedeng isumbong sa liderato ng Senado o sa Kamara.
Payo ni Pimentel, diretso sa Korte Suprema ang reklamo ukol sa mga nanghihimasok sa smuggling na nasa hudikatura.