Ipinatawag na ng Senado na dumalo ang ilang matataas na opisyal ng Philipine National Police (PNP), kabilang na ang hepeng si Police General Oscar Albayalde.
Ayon kay Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Richard Gordon – kokomprontahin ng mga senador ang mga PNP official kaugnay sa agaw bato scheme na isiniwalat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Plano rin ni Gordon na gisahin ang PNP sa biglang paglabas ng pangalan ni Guia Gomez-Castro na itinuturong drug queen.
Posible kasing diversionary tactic lang ito.
Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo – hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ni Magalong at intelligence report ng PNP tungkol sa ninja cops.
Pinag-aaralan na ng Senado kung paano mapapabalik sa bansa si Castro.
Una nang sinabi ni Albalyalde na nabuwag na nila ang mga sindikato ng ‘ninja cops’ at kakaunti na lamang sila ang nasa kanilang hanay.