Mga matataas na opisyal ng PNP, nagtipon-tipon para sa tradisyunal na New Year’s call

 

Magkakasama ngayong araw mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame para sa tradisyunal na New Year’s call.

Mag alas ng 8 umaga nang simulan ang New Year’s call kung saan marami sa mga opisyal ng PNP ang dumating nang maaga kasama ang kanilang mga asawa.

Pangungunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang New Year’s call kasama ang kanyang command group.


Dito, inaasahang magbibgay sya ng direktiba sa mga mga matataas na opisyal ng PNP kasama ang directorial staff, regional, provincial at city directors at head ng mga support unit.

Nabatid na ang New Year’s call ay isang tradisyon sa uniformed service kung saan nagbibigay ng courtesy ang mga subordinate leader sa kanilang mga commander.

Pagkakataon din ito para magkaroon ng camaraderie ang mga pulis.

Samantala, mamayang hapon naman, inaasahang haharapin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec Benhur Abalos ang mga tauhan ng PNP sa Camp Crame.

Ito’y para pa rin sa kumustahan at magbaba ng mga bagong instructions ngayong 2024.

Facebook Comments