Mga matataas na opisyal ng PNP, pasado lahat sa performance evaluation

80

Nakapasa ang lahat ng matataas na opisyal ng PNP sa isinagawang 3 buwang performance evaluation.

 

Sinabi ito PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa sa isang  press conference sa Camp Crame.


 

Ayon kay Gamboa 75.13 percent ang pinakamababang rating na ibinigay mula sa  “passing grade” na 75 percent.

 

Pero nais ni Gamboa na itaas ang “passing grade” sa susunod na evaluation para magkaroon ng inisyatibo ang mga opisyal na mas pagbutihin ang kanilang trabaho.

 

Nilinaw naman ni Gamboa na ang  pagbalasa kahapon ay hindi pa batay sa performance ng mga opisyal kundi dahil sa pagkabakante ng ilang posisyon dahil sa pagreretiro ng mga senior officials.

 

Una nang sinabi ni Gamboa na ang promosyon ng mga opisyal ay ibabase sa kanilang performance evaluation.

 

Matatandaang sinabi rin ni Gamboa na ang mga opisyal na hindi makaka-comply sa tamang body-mass-index o yung mga over at underwieight, ay hindi rin kwalipikado para sa promosyon.

Facebook Comments
From Advertisers