Mga matataas na opisyal ng Simbahang Katolika at opisyal ng pamahalaan, dumalaw sa public viewing ni dating Pangulong Noynoy Aquino

Binasbasan kanina nina Papa Nuncio Charles Brown at Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang abo ng dating Pangulong Noynoy Aquino sa nagpapatuloy na public viewing sa loob ng Gesu Chapel sa Ateneo de Manila University.

Bukod sa mga matataas na opisyal ng Simbahang Katolika, dumalaw rin sina Vice President Leni Robredo at Executive Secretary Salvador Medialdea na nagpaabot ng pakikiramay sa dating pangulo ng bansa.

Nagpapatuloy pa rin ang mahabang pila sa isinagawang public viewing para lamang masilayan ang huling burol ng dating Pangulong Noynoy Aquino.


Facebook Comments