Mga “matatalinong” kandidato, hindi daw dapat iboto – PRRD

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko laban sa pagboto ng mga “matatalinong” senatorial candidate na gagawa lamang ng mga palpak na batas sa bansa.

Ito’y matapos muling punahin ng pangulo si Senator Francis Pangilinan na siyang bumuo ng Republic Act 9344 or the Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 na hindi pwedeng makulong ang mga batang may edad 15 pababa kahit nakagawa ito ng krimen.

Ayon kay Duterte malaki ang kasalanan ni Pangilinan sa bansa lalo’t gumawa ito ng “henerasyon ng mga kriminal” dahil sa kanyang batas.


Hinikayat ng pangulo ang mga botante na maging matalino sa pagpili ng mga kandidato.

Sa ngayon, ang panukalang layong amyendahan ang Pangilinan law na ibaba sa 12 anyos ang criminally liable ay nakabinbin sa Kongreso.

Facebook Comments