Mga matatanda at may kapansanan, dapat ikonsidera rin ng DOJ sa pagrerekomenda ng executive clemency

Umapela si Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan sa Department of Justice (DOJ), na bigyan din ng prayoridad ang mga matatanda, may sakit at may kapansanan sa mga bilanggo na irerekomendang kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na gawaran ng executive clemency ngayong Christmas season.

Pahayag ito ni Yamsuan, bilang suporta sa mga hakbang ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na mapalaya ang nasa 1,500 na “persons deprived of liberty (PDLs)” upang mapaluwag ang mga bilangguan.

Kaugnay nito ay pinuri rin ni Yamsuan ang hakbang ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr., na mapalaya ang mahigit 11,000 PDLs sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. bilang bahagi ng government’s jail decongestion program.


Ikinatuwa din ni Yamsuan na ang mga pinalayang bilanggo ay sumailalim sa Reformation and Release Program ng BuCor kung saan sila ay nabigyan ng skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Facebook Comments