Mga matatanda at may sakit na bilanggo, hiniling na palayain

Umapela sila Deputy Minority Leader Carlos Zarate at Assistant Minority Leader France Castro sa gobyerno na palayain ang mga political prisoners na mga may sakit at matatanda na sa gitna ng Enhanced Community Quarantine.

Giit nila Zarate at Castro, ang mga matatanda at mga may sakit na mga bilanggo ang pinaka-vulnerable na mahawaan ng sakit na COVID-19.

Bukod sa humanitarian release ng mga ‘Persons Deprived of Liberty’ na matatanda at mga may sakit, ipinanawagan din ng mga Kongresista ang pagpapalaya sa mga buntis at low-level offenders tulad ng ginawa sa Iran.


Tinukoy ng mga progresibong mambabatas ang pahayag ng United Nations High Commissioner for Human Rights na nagsimula nang kumalat sa mga bilangguan, immigration detention centers, residential care homes at psychiatric hospitals sa ibang mga bansa ang Coronavirus.

Hiniling ng mga Kongresista na agapan ang sitwasyon bago ito lumala lalo’t ang Pilipinas ang may pinakamataas na prisoners congestion rate na nasa 605%.

Hindi aniya dapat mangyari ang katulad sa Italy kung saan naging desperado ang mga preso at nauwi sa prison riots ang takot na mahawa ng COVID-19.

Facebook Comments