Mga matatanda sa buong bansa, ipinalilibre sa legal services

Manila, Philippines – Aabot sa 6.23 Million na mga senior citizens sa buong bansa ang mabebenepisyuhan ng free legal service.

Ito ay kung maisasabatas ang House Bill 809 na inihain ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na layongg bigyan ng libreng serbisyong legal at free counsel ang mga senior citizens para sa mga civil at criminal cases na kinakaharap ng mga ito.

Ito ay paraan na rin para ibalik sa mga matatanda ang kanilang naging ambag sa pag-unlad ng lipunan.


Dagdag pa dito ng may-akda ng panukala, ito rin ay bilang pagbibigay ng respeto, dignidad at patas na hustisya sa mga senior citizens.

Pero may ilang restrictions sa pribilehiyo para sa mga senior citizens kung saan hindi kasama sa free legal service ang mga kasong may paglabag sa moral, mga kaso nakahain sa Sandiganbayan na may kaugnayan sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, intra-corporate disputes, at paglabag sa ilang probisyon sa Family code.

Facebook Comments