Mga matatandang may comorbidity, dapat pa ring iprayoridad ayon sa isang vaccine expert

Sa kabila naman ng posibleng pag-arangkada ng inoculation ng mga kabataan ngayong Oktubre, binigyang-diin ni Dr. Lulu Bravo na dapat iprayoridad pa rin ang mga matatanda na may comorbidity.

Sa interview ng RMN Manila sa Executive Director ng Philippine Foundation For Vaccination at Chairperson ng National Adverse Events Following Immunization Committee, ikinatwiran nito na ang mga matatanda ang madaling nahahawa ng COVID-19 at dahilan kaya napupuno ang kapasidad ng mga ospital sa bansa.

Giit ni Bravo, ang mga kabataan na tinatamaan ng COVID-19 ay mabilis na nakaka-recovery, kabaliktaran ng sitwasyon ng mga matatanda.


Una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa general population ngayon Oktubre pero sinabi ng palasyo na depende pa rin ito sa magiging supply ng bakuna sa bansa.

Ngayong araw ay dumating sa bansa ang 1.2 million doses ng Moderna habang may 30 million doses ng Pfizer at 8 million doses pa ng Moderna ang paparating nitong huling quarter ng 2021.

Facebook Comments