Manila, Philippines – Sa kabila ng mahigpit na seguridad na ipatutupad para sa mga delegado ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, tututukan parin ng National Capital Region Police Office ang mga matataong lugar sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde kabilang sa kanilang popostehan ang mga mall, terminal, paliparan, pantalan at iba pa.
Malaya din aniyang makapagsasagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa mga tukoy na lugar tulad ng Liwasang Bonifacio, Luneta at Plaza Miranda.
Kasunod nito, kahit na abala ang mga otoridad sa papalapit na ASEAN Summit sinabi ni Albayalde na binabantayan parin nila ang mga kawatan.
Wala aniyang International event o anumang kaganapan sa bansa ang magiging hadlang para hindi dakpin ang mga criminal.
Simula bukas nakataas na sa full alert ang status ng pambansang pulisya kaugnay parin ng nalalapit na ASEAN Summit.